Ulan

Mahirap maging masaya.

Pero hindi mo kailangang saktan ang sarili mo,

para lang maging masaya.

Redundant.

Dalawang beses mong nakita ang salitang masaya.

Paulit ulit.

Umuulit.

Ulit.

Paulit ulit mong hinahanap yung saya,

kahit paulit ulit mo nang sinasaktan ang sarili kahit kumikirot na.

Pero sabi nga nila..

Walang perpektong tao.

Walang perpektong relasyon.

Walang perpektong sitwasyon.

Kaya siguro madalas,

nahihirapan tayong maging masaya.

Kasi palagi nating ineexpect ang isang perpektong ideya.

Mga bilang at sukat na di tumutugma.
Mga ngiting pilit ipinipinta kahit tag-ulan na.
Mga luhang pilit na itinatago kahit puno na.

Mahirap maging masaya.

Pero kaibigan,

sana maalala mong piliin ang sarili mo

bago ang maging masaya.

Bakit ang title Ulan?

Kasi alam kong titila din yan. Tiwala lang. 😊

Hello, sa mga jowang mapanakit. Sana kainin na lang kayo ng blackhole. At sa kaibigan kong itago natin sa pangalang Repolyo, huwag ka mag-alala, hindi natin sila bati!
🐻🍫😂😂😤😤😤